-- ADVERTISEMENT --

Nagpahayag ng kasiyahan ang

sa pag-usad ng impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos itong i-refer sa House Committee on Justice, subalit kasabay nito ay nagtaas sila ng babala laban sa posibleng paggamit ng one-year bar rule upang ipawalang-bisa ang mas mabigat na reklamo.

Ayon kay Kabataan Partylist Representative Atty. Renee Co, may pangamba ang kanilang grupo na maaaring gamitin ang unang inihain na impeachment complaint para ma-trigger ang one-year bar rule, na posibleng makapigil sa pag-usad ng ikalawang impeachment complaint na inendorso ng Makabayan Bloc.

Ipinaliwanag ni Atty. Co na itinuturing nang “deemed initiated” ang impeachment process laban sa Pangulo matapos tanggapin ng Office of the Secretary General ang reklamo noong Lunes, Enero 26, 2026.

Naniniwala rin siya na mas matibay at mas mabigat ang legal na argumento ng ikalawang impeachment complaint kumpara sa naunang isinampa, at may sapat na batayan upang papanagutin ang Pangulo sa ilalim ng Konstitusyon.

Samantala, nakatakdang isagawa sa susunod na linggo ang unang pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng mga impeachment complaints laban kay Pangulong Marcos Jr.