-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY- Nasa mahigit 2,000 kahon ng smuggled cigarettes ang nahukay ng mga otoridad sa bahagi ng Brgy. Gumagadong-Calawag, Parang, Maguindanao del Norte.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa PRO-BAR, mahigit isang linggo ring minamanmanan ng mga operatiba isang pribadong propedad matapos makatanggap ng ulat na may mga kontrabandong tinatago sa lugar.

Kaugnay nito, agad namang nagpatupad ng operasyon ang kapulisan at nadatnan na lamang ng mga ito na mayroong butas na ang bodegang itinuturong pinagtataguan ng mga kontrabando at may bagong tambak ng lupa sa gilid.

Dito tumambad sa mga otoridad ang libo-libong kahon ng sigarilyo.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad upang matukoy ang mga indibidwal na nagmamay-ari ng mga kahon ng sigarilyo. #