-- ADVERTISEMENT --
Bago ang nakatakdang Senate Blue Ribbon Committee inquiry kaugnay ng tinatawag na “Cabral Files” sa Enero 19, inihambing ni Senate President Pro-Tempore Panfilo Lacson ang paggamit ng “allocables” sa pambansang budget na nauugnay sa kickbacks sa isang “planned robbery.”
Ayon kay Lacson, ang mga opisyal ng gobyerno na nagsusumite ng wish list ng mga proyekto upang makakuha ng komisyon o kickback mula sa allocable funds ay maihahambing sa pagkawala ng pondo ng bayan.
Binigyang-diin din ng senador na walang papel ang mga mambabatas sa pagtukoy ng mga proyekto sa National Expenditure Program (NEP) na inihahanda ng executive branch, at limitado lamang sa kongreso ang tungkulin nito na maghain ng amendments pagkatapos maipasa ang NEP.













