Pinagtibay ng House of Representatives ang bersyon ng Senado ng isang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan na pansamantalang bawasan o isuspinde ang excise tax sa mga produktong petrolyo.
Layunin ng hakbang na ito na maibsan ang epekto ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina, diesel, at iba pang pangunahing bilihin na direktang nararamdaman ng mga mamamayan.
Ayon kay Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos, House Majority Leader, magsisilbi itong “safety valve” o pansamantalang solusyon tuwing may krisis—tulad ng tensyon sa Gitnang Silangan—na nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng langis at mga pangunahing pangangailangan, kabilang na ang mga mantikang panluto.
Sa ilalim ng panukala, pinapayagan ang Pangulo na magpatupad ng pansamantalang pagtanggal o pagbawas ng excise tax na maaaring umabot hanggang ₱10 kada litro sa gasolina at ₱6 kada litro sa diesel, depende sa umiiral na kondisyon.













