-- ADVERTISEMENT --

Iniimbestigahan ng South Korea’s National Tax Service (NTS) ang aktor at K-pop idol na si Cha Eun-woo mula sa boy group ASTRO dahil sa alegasyon ng pag-iwas sa pagbabayad ng buwis na umaabot sa mahigit ₩20 bilyong won o katumbas ng masobra ₱800 milyon.

Ayon sa ulat, nagtayo si Cha at ang kanyang ina ng isang kumpanya “Company A” at pumirma ng kontrata sa kanyang pangunahing agency upang mapababa ang buwis.

Natuklasan ng NTS na ang kumpanya ay isang “paper company” na walang tunay na serbisyo at ginagamit lamang upang makinabang sa mas mababang corporate tax rate.

Kasama sa imbestigasyon ang agency ni Cha, na pinatawan din ng karagdagang buwis na humigit-kumulang ₩8.2 bilyon o katumbas ng halos ₱330 milyon.

Ayon sa ahensya at “Company A”, nakikipagtulungan si Cha at ang kanyang pamilya sa imbestigasyon at gagamitin ang legal na proseso upang maipaliwanag ang kanilang panig.

Ang balita ay nagdulot ng diskusyon sa publiko tungkol sa pagbabayad ng buwis ng mga kilalang personalidad sa South Korea.