KORONADAL CITY – Umakyat pa sa higit 41,000 pamilya o halos 200,000 individuals ang kabuuang apektado ng kalamidad mula sa tatlong mga probinsiya sa Socsksargen Region dahil sa patuloy na nararansang pag-ulan.
Ito ang kinumpirma ni Office of the Civil Defense (OCD) Region 12 Information officer Jorie Mae Balmediano sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Balmedinao, ang mga lugar na lubos na naapektuhan ng baha at mga pagguho ng lupa ay ang mga bayan ng Kiamba, Maitum kag Glan sa lalawigan ng Saranggan habang mga bayan naman ng Kalamansig, Palimbang and Lebak sa Sultan Kudarat, samatalang mga bayan ng Kabacan, Pigcawayan at Pikit sa Cotabato province.
Dagdag pa ni Balmediano, may pamilyang dahan-dahan na ring bumalik sa kanilang bahay matapos na nag-subside na ang tubig-baha ngunit malaki pa rin ang posibilidad na bumalik ang mga ito sa evacuation center dahil sa patuloy na pagbuhos ng ulan.
Sa ngayon, may isang unang naiulat na missing na natagpuan na ang bangkay nito sa bahagi ng Kiamba, Saranggani ngunit inaalam ito kung maituturing na unang casualty sa pananalasa ng kalamidad sa rehiyon dose.
Nagpapatuloy naman ang damage assessment ng Department of Agriculture sa nasirang mga pananim, livestock o sa agricultural sector.
Habang sa nasirang mga imprastraktura, ang nasirang Sebayor Bridge sa Sitio Tambis. Brgy. Sta. Clara, Kalamansig matapos na mawasak dahil sa pagguho ng lupa ay hindi pa rin madaanan ng mga sasakyan.
Inaalam pa din ang kabuuang mga nasirang mga infrastructure dahil sa pagbaha at pagguho ng lupa sa mga apektadong lugar sa Socsksargen