-- ADVERTISEMENT --

Gumamit na ng tear gas at water cannons ang French police matapos sumiklab ang protesta ng mahigit 200,000 katao sa Paris, France.

Nagsimula ang kilos-protesta bunsod ng matinding galit ng taumbayan laban kay Pangulong Emmanuel Macron, kaugnay ng mga isyung pampulitika at planong pagbabawas ng badyet ng gobyerno.

Dahil dito, sinunog ng mga raliyista ang isang gusali sa Central Park matapos kumalat sa buong bansa ang tinaguriang “Block Everything” protests.

Isinara rin ang mga pangunahing kalsada, sinunog ang mga barikada, at nagkaroon ng kaguluhan sa pagitan ng mga raliyista at pulis. Sa Paris, gumamit ng tear gas ang riot police at halos 200 ang inaresto.

Mariing binatikos ng mga kabataan at unyon ang tinawag nilang “elite na gobyerno” na puro pasakit at pagtitipid lamang umano ang dulot sa taumbayan.

Ayon sa mga aktibista, panahon na raw upang itaguyod ang panibagong uri ng pamahalaan na mas makatarungan at patas.