Hinimok ng isang Elder ng Mosque ang lahat ng mga Muslim na magtuon sa mga espiritwal na aspeto ng kanilang buhay at patuloy na magsagawa ng mabubuting gawa upang mapalalim ang kanilang koneksyon kay Allah.
Ayon kay Camaludin Rasul, isang Elder sa Mosque, sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal, ang Ramadan ay isang sagradong buwan na naglalayong magbigay ng pagkakataon para sa mga Muslim na magsisi at magbalik-loob kay Allah.
Dapat din aniya ang pag-aayuno ay hindi lamang pagtigil sa pagkain at inumin, kundi isang espiritwal na proseso na nagbibigay ng pagkakataon para magbago at magsisi sa mga kasalanan.
Ipinahayag ni Rasul na ang pag-aayuno ng mga Muslim sa panahon ng Ramadan ay dapat na may layunin at may sinseridad upang magsimula ng bagong buhay.












