-- ADVERTISEMENT --

Naaresto ang isang high value individual sa ikinasang search warrant operation ng Kidapawan City Police Station Drug Enforcement Unit sa Alim St., Brgy Poblacion, Kidapawan City.

Kinilala ni Police Brigadier General Percival Agustus Placer, Regional Director ng PRO 12, ang suspek na si alyas “Brodin” 44 anyos, may asawa, at residente ng Alim St., Brgy Poblacion, Kidapawan City.

Ayon kay PBGen. Placer, nakuha mula sa suspek ang walong pirasong pakete ng hinihinalang shabu na may bigat humigit-kumulang 5.44 gramo na may estimated value na Php36,992.00.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec 11, Art. II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang matagumpay na operasyon ay nagpapakita ng malaking suporta sa kampanya kontra droga sa bansa, na itinuturing na pangunahing hakbang sa pagtataguyod ng isang “Bagong Pilipinas.