-- ADVERTISEMENT --

Mas lalo pang lumakas ang Bagyong Domeng at isa na itong ganap na typhoon habang patuloy na kumikilos sa karagatan silangan ng Luzon.

Sa pinakahuling pagtaya, namataan ang sentro ng Typhoon Domeng (international name: Jangmi) sa layong 815 kilometro silangan ng Northern Luzon. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro kada oras malapit sa sentro at pagbugsong umaabot sa 150 kilometro kada oras.

Patuloy itong kumikilos pahilagang-kanluran o northwest sa bilis na 20 kilometro kada oras.

Samantala, nananatiling aktibo ang Southwest Monsoon o Habagat na nakaaapekto sa Visayas, Mindanao, at mga kanlurang bahagi ng Southern Luzon. Dahil dito, inaasahan pa rin ang mga pag-ulan, paminsan-minsang malalakas na buhos ng ulan, at pag-ihip ng malalakas na hangin sa mga apektadong lugar.

Pinapayuhan ang publiko na manatiling alerto sa mga susunod na weather bulletin at mga abiso mula sa mga awtoridad.