Hinatulan ng korte sa South Korea si dating Pangulo Yoon Suk Yeol ng limang taon na pagkakabilanggo matapos mapatunayan na siya ay nagkasala ng obstruction of justice at iba pang krimen na may kinalaman sa kanyang martial law na deklarasyon.
Ayon sa desisyon ni Judge Baek Dae-hyun ng Seoul Central District Court, napatunayan na tinangka ni Yoon na hadlangan ang mga imbestigasyon at hindi niya isinama ang ilang miyembro ng kanyang gabinete sa mga pagpupulong na may kinalaman sa pagpaplano ng martial law.
Gayunpaman, ibinasura ng korte ang kaso tungkol sa pekeng dokumento dahil walang sapat na ebidensya.
Ito na ang unang pagkakataon na nahatulan ng pagkakabilanggo si Yoon, matapos siyang kasuhan na naging lider ng isang insurrection dahil sa pagpapairal ng martial law.













