-- ADVERTISEMENT --

Maglalaro na sa Boston Celtics ang dating bigman ng Chicago Bulls na si Nikola Vucevic matapos siyang i-trade ng koponan.

Batay sa inilabas na impormasyon ukol sa naturang trade, kapalit ang ni Vucevic ang guard na si Anfernee Simons at isang second-round pick.

Si Simons ay na-trade lamang sa Bostons noong July 7, 2025 kapalit noon ng 2-way player na si Jrue Holiday.

Ngayong season, nagagawa ni Vucevic na magpasok ng 16 points per game at 9 rebounds.

Una siyang naglaro ng siyam na season sa Orlando Magic at noong 2020-2021 ay nalipat siya sa Bulls.

Sa pananatili niya sa Chicago, dalawang beses siyang nakapasok sa All-Star Game

Sa kabilang banda, hawak ni Simons ang average na 14.2 points per game at napapanatili niya ang 39.5% shooting mula sa 3-point line sa loob ng maikling panahon na pananatili niya sa Celtics.

Matatapos na ang trade deadline sa NBA sa Pebrero-6, at inaasahang mas maraming trade pa ang mangyayari sa susunod na dalawang araw.