-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga otoridad at pagtukoy sa pagkakakilanlan ng mga magulang ng bagong-silang na sanggol  na natagpuan matapos inabandona sa Purok Magic Rose, President Quirino, Sultan Kudarat, nitong umaga ng Oktubre 30,2026.

Ayon sa ulat ng pulisya, natagpuan ang sanggol sa loob ng isang sako na iniwan sa damuhan sa nasabing lugar.

Agad na ini-report ang insidente sa mga opisyal ng barangay at sa Municipal Social Welfare and Development Office upang matiyak ang kaligtasan at mabigyan ng kinakailangang pangangalaga ang sanggol.

Patuloy namang inaalam ng mga otoridad ang mga pangyayari sa likod ng insidente, kabilang ang pagkakakilanlan at kinaroroonan ng mga magulang ng bata.

Nanawagan ang mga kinauukulan sa sinumang may impormasyon na makipag-ugnayan sa Barangay Hall o sa President Quirino Municipal Police Station upang makatulong sa imbestigasyon.