-- ADVERTISEMENT --

Nanawagan ang aktor na si Dennis Trillo sa publiko at fans na tigilan na ang pambabash kay kapwa aktor na si Patrick Garcia.

Sa isang social media post, hinikayat ni Trillo ang kanyang mga tagasubaybay na magpalaganap na lamang ng positibong mensahe sa halip na manghusga o pumuna sa ibang tao.

Iginiit din niya ang kahalagahan ng pagmamahalan at pag-unawa, lalo na’t papalapit na ang Pasko. Aniya, “past is past” at dapat ding isaalang-alang ang epekto ng mga kontrobersiya sa mga bata.

Kasunod ito ng naging panayam ni talent manager Ogie Diaz kay Garcia tungkol sa relasyon nito sa 18-anyos niyang anak na si Jazz, na anak niya sa dating partner na si Jennylyn Mercado. Napag-usapan din sa panayam ang usapin ng suportang pinansyal para sa kanyang anak.

Sa gitna ng naging reaksiyon ng publiko, nanawagan si Trillo ng mas mahinahong pagtalakay sa isyu at pag-iwas sa patuloy na pambabash.