Sa kabila ng panibagong sanctions ng Estados Unidos laban sa Iranian airlines, iginiit ni Iranian President Masoud Pezeshkian na nananatiling bukas ang Tehran sa dialogue at diplomasya.
Sa kanyang talumpati sa United Nations General Assembly, sinabi ni Pezeshkian na hindi umano magpapasuko ang Iran sa pressure mula sa Washington at sa halip ay lalo nitong paiigtingin ang pagtutol sa sanctions.
Kasabay nito, sinabi ni Mohsen Rezaei, kalihim ng Supreme National Security Council ng Iran, na patuloy na isinusulong ng Tehran ang diplomasya habang naghahanda rin ito para sa posibilidad ng isang armadong tunggalian.
Samantala, nakaapekto na sa international air operations ng Iran ang bagong US sanctions. Kinansela ng Turkey, United Arab Emirates at China ang malaking bahagi ng mga flight ng Iranian carriers, habang ipinagbawal naman ng Oman, Azerbaijan at Georgia ang pagpasok ng mga Iranian airline sa kanilang airspace.













