-- ADVERTISEMENT --

Nakuha ni Filipino MMA fighter Carlos Alvarez ang bronze medal sa 2026 Asian Games matapos matalo kay Yerkingali Burkutalin ng Kazakhstan sa semifinals.

Maganda ang naging simula ni Alvarez at siya pa ang nanguna sa scorecards ng mga hurado matapos ang unang round. Ngunit nagbago ang takbo ng laban sa second round nang mapabagsak siya ng Kazakhstani fighter.

Agad sinundan ni Burkutalin ang pagbagsak ni Alvarez ng sunod-sunod na suntok, dahilan para hindi na makabangon ang Pinoy fighter at tuluyang matapos ang laban.

Sa kabila ng pagkatalo, nagbigay si Alvarez ng bronze medal para sa Team Philippines. Ito na ang ikalawang medalya ng bansa sa nagpapatuloy na Asian Games.

Nauna rito, nakapag-uwi rin ng bronze medal ang Philippine women’s soft tennis team para sa bansa.