Ikinabahala ni Egyptian President Abdel Fattah el-Sisi ang patuloy na paglala ng tensyon sa Gitnang Silangan dahil sa posibleng epekto nito sa pandaigdigang kalakalan, suplay ng enerhiya at supply chains.
Nanawagan si el-Sisi para sa pagpapanatili ng ligtas at malayang paglalayag sa mga pangunahing rutang pandagat, kasunod ng pag-uusap nila ni Russian President Vladimir Putin.
Binigyang-diin ng Egyptian leader na maaaring higit pang maapektuhan ang global economy kung magpapatuloy ang mga pagkaantala sa daloy ng mga barko at kalakal sa rehiyon.
Partikular na binabantayan ang Strait of Hormuz, isang mahalagang ruta ng pandaigdigang transportasyon ng enerhiya, amid tensyon na kinasasangkutan ng Iran at United States.
Ayon kay el-Sisi, mahalagang mapanatili ang seguridad at kalayaan sa paglalayag upang maiwasan ang karagdagang disruption sa pandaigdigang ekonomiya.











