-- ADVERTISEMENT --

Inaasahan na naman ang panibagong malaking pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.

Ayon sa Department of Energy (DOE), inaasahang tataas ng P4.00 hanggang P4.50 kada litro ang presyo ng diesel.

Samantala, posibleng tumaas naman ng P3.50 hanggang P4.00 kada litro ang gasolina.

Para sa kerosene, inaasahan ang pagtaas na P5.05 kada litro.

Ang inaasahang pagtaas ng presyo ay bunsod ng epekto ng bagong pag-atake ng Estados Unidos sa Iran, na nakaapekto sa pandaigdigang presyo ng langis.

Karaniwang inaanunsyo ang pinal na oil price adjustment tuwing Lunes at ipinatutupad naman tuwing Martes.