Magtatakda ang Nepal ng National Day of Mourning sa Setyembre 7 bilang paggunita sa mga nasawi sa mapaminsalang flash floods na tumama sa Nepal-Tibet border noong Agosto.
Ayon kay Prime Minister Balendra Shah, kasabay ito ng ika-13 araw mula nang mangyari ang trahedya. Sa tradisyong Hindu, ang ika-13 araw ay itinuturing na pagtatapos ng mourning period at panahon para sa Shraddha, isang ritwal na iniaalay para sa mga yumao.
Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Authority ng Nepal, umabot na sa 1,259 ang nasawi sa baha. Sa mga ito, nasa 95 pa lamang ang natukoy at naibalik sa kanilang mga pamilya.
Samantala, tinatayang 4,216 katao pa rin ang nawawala, habang nasa 7,500 kabahayan ang napinsala o nawasak dahil sa kalamidad.
Ang National Day of Mourning ay magsisilbing pambansang pag-alala sa mga biktima habang nagpapatuloy ang search and recovery operations para sa mga nawawala.













