-- ADVERTISEMENT --

Isang Low Pressure Area (LPA) ang tuluyang naging tropical depression nitong Martes ng gabi, ayon sa PAGASA.

Batay sa pinakahuling monitoring alas-11 ng gabi, ang weather disturbance ay nasa layong 520 kilometro kanluran ng Calayan, Cagayan, at nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Taglay nito ang lakas na hanggang 45 kilometro kada oras, habang umaabot naman sa 55 kilometro kada oras ang bugso ng hangin. Kumikilos ito pakanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Samantala, nananatiling tropical depression ang Neneng habang nasa karagatang silangan ng bansa.

Huling namataan ang Neneng sa layong 775 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon. May maximum sustained winds itong 45 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 55 kilometro kada oras.

Mas mabilis ang pagkilos nito pakanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras. Sa kasalukuyang forecast, hindi inaasahang magla-landfall sa bansa ang Neneng.

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang weather disturbance upang matukoy ang anumang pagbabago sa kanilang direksiyon, lakas at posibleng epekto sa bansa.