-- ADVERTISEMENT --

Kinansela ng Commission on Elections (Comelec) ang ilang nakatakdang aktibidad bilang tugon sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng national state of energy emergency dahil sa krisis na nararanasan sa Gitnang Silangan.

Sa isang resolution ng Comelec en banc, inihayag na kakanselahin ang Election Expo Convention and Conference, pati na rin ang Asian Electoral Stakeholders Forum VII at ang Philippine Election Expo na nakatakda sana sa Abril 21-23, 2026. Kasama rin dito ang National Goodwill Games na naka-iskedyul sa Mayo 8-10, 2026.

Una nang ipinaliwanag ng Comelec na ang expo ay layong makakuha ng bagong teknolohiya na maaaring gamitin sa 2028 elections.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, nakikiisa sila sa sambayanan at ayaw nilang maging dagdag na problema ang mga aktibidad sa gitna ng krisis na kinahaharap ng bansa.