Inakusahan ng US ang Russia na nagbibigay ng mga intelligence report sa Iran. Ayon sa White House, may ilang impormasyon silang nakuha ukol sa pagbibigay ng Russia ng impormasyon tungkol sa kinaroroonan ng mga sundalo ng US.
Patuloy na nangangalap ng impormasyon ang White House tungkol sa isyung ito.
Nakabalik na sa US ang ilang mga Americans na naipit sa kaguluhan sa Gitnang Silangan. Kinumpirma ni Assistant Secretary of State for Global Public Affairs Dylan Johnson na may ilang mga chartered flight na inorganisa ang US government para mailikas ang kanilang mga mamamayan. Aabot sa 13,000 na mga Americans sa Gitnang Silangan ang kanilang natulungan.
Ayon naman sa pagtataya ng Iran, umabot na sa 1,332 ang nasawi dahil sa mga pag-atake ng US at Israel.












