Pormal nang ihaharap sa General Court Martial si Audie Mongao matapos makitaan ng sapat na batayan ang ulat na binawi niya ang suporta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Sa isang press conference, kinumpirma ni Antonio Nafarrete na sasampahan si Mongao ng paglabag sa Article 63 o Disrespect toward the President, Vice-President, National Assembly sa ilalim ng Articles of War. Aniya, tapos na ang imbestigasyon ng Training Command at binubuo na ang lupon na hahawak sa paglilitis.
Ayon kay Nafarrete, malinaw na ang naging hakbang ni Mongao ay paglabag sa Articles of War. Matatandaang tinanggal siya bilang commander ng Training Support Group matapos kumalat sa social media ang umano’y pahayag niya ng withdrawal of support sa Pangulo.
Si Mongao ay isang senior officer na may mahigit 30 taong serbisyo sa Philippine Army.













