Upang maging mas mabilis ang kalinisan sa kapaligiran, ginagawa ang pakikipag-ugnayan sa mga purok president sa lungsod ng Koronadal upang makatulong at sa tulong na rin ng bawat isa.
Ito ang pahayag Ric Cabatingan, Task Force Kalinisan Incharge isa sa mga kasapi ng task force kalinisan sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon sa kanya, layunin nito na maging malinis ang lungsod ng Koronadal, lalo na sa gitna ng lungsod, kung saan nakikipagtulungan ang City Enginering, CENRO, DPWH at iba pa.
Dagdag pa niya, sa kasalukuyan, inuuna ang gitna ng lungsod ng Koronadal kung saan nililinis ang pampublikong pamilihan, mga kanal, at iba pang lugar na dapat linisin.
Dagdag pa rito, ang hakbang na ito ay upang mapanatili ang kalinisan sa lungsod ng Koronadal at upang makapagbigay ng mga interbensyon.
Panawagan din sa mga mamamayan na maging responsable sa pagtatapon ng basura at mahalaga rin ang pagtutulungan sa pagpapanatili ng kalinisan.













