-- ADVERTISEMENT --
Ipinahayag ng mga opisyal ng Spain na nakumpleto na ang lahat ng autopsy ng mga biktima sa aksidente ng high-speed train na naganap kamakailan.
Ayon sa mga awtoridad, umabot sa 45 ang bilang ng mga nasawi sa trahedya.
Ayon sa ulat, ang isang tren na patungong Madrid ay lumagpas ang mga carriages at nakapasok sa kabilang track, dahilan upang mabangga nito ang isa pang tren na patungong Adamuz.
Sa dalawang tren, tinatayang may 400 pasahero at staff na sakay noong oras ng aksidente, ayon sa rail network.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang eksaktong sanhi ng banggaan, habang nagbibigay din ng tulong at medikal na suporta sa mga nakaligtas at sa pamilya ng mga biktima.













