-- ADVERTISEMENT --

Biinigayang linaw ni Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez na hindi kabilang ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng pansamantalang pagpapatigil ng US sa pagproseso ng visa.

Kasunod ito ng ulat na simula Enero 21, suspindido pansamantala ng US State Department ang visa processing para sa mga bisita mula sa 75 bansa.

Sa memo ng State Department, kabilang sa mga bansang maaapektuhan ang Somalia, Russia, Iran, Afghanistan, Brazil, Nigeria, at Thailand, ngunit hindi ang Pilipinas.

Binigyang-diin ni Romualdez na nananatiling matatag ang ugnayan ng Pilipinas sa Estados Unidos bilang isa sa pinakamatagal na treaty ally sa Asya, at hindi maaapektuhan ng bagong polisiya ang mga Pilipinong nagnanais bumiyahe o mag-apply ng US visa.

Ang pahayag ay naglalayong magbigay ng katiyakan sa publiko laban sa maling impormasyon na kumakalat tungkol sa visa suspension.