-- ADVERTISEMENT --

Matagumpay na nakabalik sa Earth ang mga astronaut ng ISS Crew-11 matapos ang maagang pagtatapos ng kanilang misyon nang mag-splashdown ang SpaceX Dragon Endeavour capsule sa Karagatang Pasipiko, malapit sa baybayin ng San Diego, noong Enero 15, alas-3:41 ng umaga (local time).

Naghugpa ang kapsula mula sa Harmony module ng ISS noong Enero 14, alas-5:20 ng hapon.

Sakay ng misyon sina NASA astronauts Zena Cardman at Mike Fincke, kasama sina Kimiya Yui mula sa JAXA at Russian cosmonaut Oleg Platonov.

Ayon sa NASA, ang maagang pagbabalik ng Crew-11 ay bunsod ng isang medical issue na kinasangkutan ng isa sa mga tripulante. Matapos ang splashdown, isinailalim agad ang mga astronaut sa paunang medical checks bago sila dalhin sa Johnson Space Center sa Houston.

Inilunsad ang Crew-11 noong Agosto 1, 2025, para sa orihinal na anim na buwang misyon sa International Space Station.