-- ADVERTISEMENT --

Sugatan ang isang driver nang magbanggaan ang kanyang Motorcycle Bajaj 100 at isang Boomtruck kahapon, Disyembre 23, 2025, bandang 2:15 ng hapon, sa kanto ng Parreñost at Aurora Street, Brgy. Yangco, Banga, South Cotabato.

Ayon sa ulat, ang back rider ng motorsiklo ay nasugatan rin at parehong nadala sa South Cotabato Provincial Hospital para sa agarang medikal na atensyon.

Patuloy ang imbestigasyon ng lokal na awtoridad upang matukoy ang sanhi ng aksidente.

Pinapaalalahanan din ang publiko na maging maingat sa kalsada, lalo na sa mga kanto at matataong lugar, upang maiwasan ang mga aksidente.