-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Sinadya umanong nakawin ng naarestong carnapper ang sasakyan ng kanyang amo sa General Santos City.

Ito ang lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya sa suspek matapos itong maaresto.

Ayon sa suspek na si Jimar Alvarez Taburnal, umuwi siya at tumigil sa trabaho dahil gumagamit siya ng ipinagbabawal na droga at mayroon din daw siyang “misyon.”

Nag-alay pa umano siya ng kanta para sa kanyang minamahal na nasa Maramag na naghihintay daw sa kanya, at sinabing “I lab you, you lab me!”

May mga nagkomento rin na baka nagbibingi-bingihan o nagpapakaloko lang ang suspek matapos siyang maaresto.

Patuloy pa ring sinisiyasat ng mga awtoridad ang motibo ng krimen at ang kapasidad ng suspek.

Matatandaan na naging ala-pelikula ang nangyari kahapon matapos na hinabol ng mga operatiba ang suspek habang minamaneho ang tinangay na sasakyan ng amo nito.