-- ADVERTISEMENT --

Arestado ang apat na High Value Individual (HVI) matapos makuhanan ng Php207,400 halaga ng mga illegal droga sa isinagawang Drug Buy-Bust Operation ng mga otoridad sa Purok 11, Brgy. Tinagacan, Pangkalahatang Santos City nito lamang Pebrero 12, 2025.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Apple” 32, residente ng Brgy Lagao, General Santos City; alyas “Brown”, 32; alyas “Mark”, 42; at alyas “Chester” 42, na kapwa residente naman ng Brgy Apopong, General Santos City.

Batay sa ulat, dakong 12:50 ng hating gabi nang ikinasa ang naturang operasyon sa pangunguna ng Regional Police Drug Enforcement Unit (RPDEU) 12 kasama ang mga operatiba ng Regional Intelligence Division 12, Police Drug Enforcement Group 12, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 12 Gensan, at General Santos City Police Office-Police Station 8.

Nakumpiska mula sa mga suspek ang pitong piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng hinihinalang shabu na may kabuuang timbang na 30.5 gramo na nasa Php207,400 ang halaga at buy-bust money.

Mahaharap ang mga nahuling suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.