-- ADVERTISEMENT --

Patuloy sa ngayon ang imbestigasyon ng mga kasapi ng Scene of Crime Operatives (SOCO) kaugnay sa natagpuang bangkay ng isang lalaki sa irrigation canal sa gitna ng mga palayan sa pagitan ng Purok Maligaya, Brgy. Namnama, Koronadal City at Brgy. Manili, Lutayan Sultan Kudarat noong gabi ng Pebrero 11, 2025.

Ang bangkay ay nakasuot ng kulay pink na T-shirt, camouflage na shorts, at asul na tsinelas.

Tugma naman ang deskripsyon na ito sa naunang naiulat na nawawalang lalaki mula sa Tampakan, South Cotabato na kinilala bilang si Alfredo Parrocha, isang laborer, 56 taong gulang at residente ng Purok 5, Brgy. Maltana, Tampakan South Cotabato.

Ayon kay South Cotabato Liga ng mga Barangay Federation President Board Member Niel Ryan Escobillo, tugma ang deskripsyon ng nawawalang tao na si Fred sa kanilang lugar.

Dagdag pa ng opisyal, nawawala ang nasabing biktima noong Linggo, Pebrero 9, 2025, at umano’y umalis mula sa isang okasyon at hinatid ng isang tricycle papunta sa kanilang bahay, ngunit sinundo din ito sa isa pang motorsiklo.

Nahirapan namang tukuyin ang pagkakakilanlan ng biktima dahil sa estado ng pagkabulok ng mukha nito na halos hindi na makilala.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang sanhi ng kamatayan ng nasabing biktima bangud wala ini may nakit-an nga foul play sa lawas sini.

Tiniyak naman ni Board Member Niel Ryan Escobillo na sa oras na makumpirma ng pamilya na si Fred Parrocha nga ang patay na katawan, magbibigay siya ng tulong upang mapadali ang pagpapalibing at makatutulong din sa kanilang pamilya.