Arestado ang isang lalaki matapos makuhanan ng Php61,200 na halaga ng hinihinalang shabu at mga illigal na baril sa inilunsad na search warrant operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sapu Masla, Malapatan, Sarangani Province noong Enero 18, 2025.
Kinilala ni Police Major Lloyd Levin D Caigas, Hepe ng Malapatan Municipal Police Station, ang suspek na si alyas “Alis”, nasa wastong gulang, may asawa, at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon kay PMaj Caignas, isinagawa ang Search Warrant bandang 9:15 ng umaga sa pangungunguna ng kanilang hanay kasama ang iba pang mga operatiba ng Sarangani Police Provincial Office at Police Regional Office 12.
Nakumpiska mula sa loob ng pamamahay ng suspek ang isang yunit ng Homemade Shotgun na may kasamang magazine at walong bala, anim na bala ng Cal. 38 revolver, dalawan bladed weapon, at pitong plastic sachet na naglalamang ng pinaghihinalaang shabu na may kabuuang bigat na 9 gramo na may tinatayang halaga na Php61,200.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 o ang “Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act” at R.A. 9165 o ang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.