-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Malaki ang paniniwala ng mga repatriated Overseas Filipino Workers (OFWs) mula Kuwait na ang pagkamit ng hustisya sa masakit na sinapit ni Joanna Daniela Demafelis ang maituturing hustisya na rin sa lahat ng mga maltreated Pinoy workers.

Ito ang inihayag ni Analiza Batallones, isang repatriated OFW mula Kuwait na taga-lungsod ng Koronadal.

Ayon kay Batallones, masaya umano siya na isinagawa ang Senate hearing nitong Pebrero 21 kaugnay sa OFW deployment ban sa Kuwait dahil mare-review ang mga panuntunan ng embahada ng Pilipinas sa mga Pinoy na nagtatrabaho doon.

Ito ay dahil aminado si Batallones na may kakulangan ang mga opisyal ng Philippine embassy kung bakit dumarami ang napapabayaang OFW doon.

Maliban dito, dapat din umanong maging mahigpit na sa monitoring ng mga agencies upang masiguro ang kaligtasan ng mga workers sa nasabing bansa.

Mahigit pitong taong nagtrabaho sa Kuwait si Batallones kung saan katabi lamang ng tinutuluyan nito ang apartment kung saan nakita sa loob ng freezer si Demafelis.