Naaresto ang tatlong kalalakihan makaraang mahulihan ng ilegal na droga sa isinagawang PNP Checkpoint sa kahabaaan ng Purok 4, Brgy. Dansuli, Isulan, Sultan Kudarat kahapon lamang Setyembre 19, 2024.
Kinilala ni Police Lieutenent Colonel Julius R Malcontento, hepe Isulan Municipal Police Station, ang mga nahuling suspek na sina alyas “Akie”, 27-anyos, Registered Social Welfare, residente ng Prk. Santan, Brgy. Poblacion, President Quirino, Sultan Kudarat (HVI); si alyas “Mat”, 25, magsasaka at si alyas “Red”, 26-anyos, magsasaka na parehong residente ng Prk Mamalinta, Brgy Daladagan, Mangudadatu, Maguindanao del Sur (SLI)
Bandang 5:25 ng hapon nang nagsagawa ng Checkpoint Operation ang Isulan MPS, SKHPT, SKPIU, SKPDEU, 1st SKPMFC at TF Talakudong nang kanilang parahin ang sinasakyang motorsiklo ng mga suspek at biglang may nahulog na pakete ng pinaghihinalaang shabu.
Agad namang naharang at kung saan nakuha mula sa mga suspek ang limang pakete ng pinaghihinalaang shabu na may timbang na 25 gramo na nagkakahalaga ng Php170,000.00 at iba pang non-drug items.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa sekyon 11 at 12, Art.II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R Marcos Jr., na pagpapalawig sa seguridad sa bansa na patuloy ang hanay ng kapulisan sa pagsasagawa ng mga patrol operation at checkpoint operations para sa mabilisang pagsugpo sa mga ilegal na aktibidad at mapanatiling mapayapa at ligtas ang Bagong Pilipinas.