-- ADVERTISEMENT --

Inilabas ng Basilan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang opisyal na listahan ng mga bangkay na narekober mula Enero 26 hanggang Enero 31, 2026 kaugnay ng paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3 sa karagatan ng Basilan.

Ayon sa PDRRMO, umabot na sa 37 ang kabuuang bilang ng mga nasawi batay sa pinakahuling datos mula sa mga operasyon ng retrieval.

Patuloy pa rin ang proseso ng pagkilala sa ilang bangkay na hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan.

Ipinaliwanag ng PDRRMO na ang lahat ng hindi pa nakikilalang bangkay ay patuloy na sinusuri ng Scene of the Crime Operatives (SOCO), kasabay ng pakikipag-ugnayan sa mga pamilya ng mga posibleng biktima para sa kumpirmasyon ng kanilang identidad.

Tiniyak din ng ahensya na maglalabas sila ng opisyal na update sa sandaling makuha ang kumpirmado at pinal na pagkakakilanlan ng mga bangkay.

Samantala, nagpapatuloy ang koordinasyon ng lokal na pamahalaan at mga pambansang ahensya upang magbigay ng tulong sa mga pamilya ng mga biktima habang isinasagawa ang mas malalim na imbestigasyon sa insidente ng paglubog ng barko.