-- ADVERTISEMENT --

Arestado ng Pikit PNP ang tinaguriang Regional Most Wanted person sa kasong Murder sa Barangay Lower Paatan, Kabacan, Cotabato nito lamang umaga ika-27 ng Hunyo, 2024.

Kinilala ng mga awtoridad ang nasabing suspek sa alyas “Tobi” 32 anyos, may asawa at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa mga awtoridad bandang alas 12:47 ng madaling araw sa bisa ng warrant of arrest pinuntahan ng tauhan Kabacan Municipal Police Station ang pamamahay ng suspek dahilan na ito ay madakip at maaresto.

Sa ngayon nasa pangangalaga na ng Koronadal City Police Station ang nasabing suspek at nahaharap sa kasong RA 7659 o Murder na walang rekomendadong piyansa.

Patuloy naman ang ating mga kapulisan sa pagtugis sa mga taong may pananagutan sa batas upang masiguro na ligtas ang mga mamamayan sa kanilang lugar tungo sa mapayapa na Bagong Pilipinas.