-- ADVERTISEMENT --

Pinatawan ng kamatayan ng korte sa Zhejiang province, China, ang 11 miyembro ng Ming family, isang kilalang mafia na umano’y nangunguna sa multibillion-dollar scam at iba pang ilegal na operasyon sa Myanmar.

Ayon sa mga ulat, napatunayang guilty ang mga ito sa iba’t ibang kaso kabilang ang homicide, illegal detention, fraud, at pagpapatakbo ng ilegal na gambling dens.

Isa ang Ming family sa maraming clan na nagpapatakbo sa Laukkaing town sa Myanmar, na naging sentro ng mga casino at sex trade.

Napinsala ang kanilang imperyo noong 2023 nang dakpin ng China ang mga katutubong militias na kontrolado ang Laukkaing town sa gitna ng civil war sa Myanmar.

Ang pagbitay sa mga miyembro ng mafia ay ipinahayag ng China bilang isang mensahe ng deterrence, bilang babala sa sinumang nagnanais na magpatuloy ng scam at ilegal na aktibidad sa bansa.