Mariing itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang umano’y ₱1 bilyong suhulan na inalok sa kanya at sa kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin Remulla upang pahintuin ang imbestigasyon sa mga kuwestiyonableng flood control project.
Ayon kay Remulla, ipinarating ang alok sa pamamagitan ng isang intermediary na may ugnayan sa kanilang pamilya at sa isang hindi pinangalanang indibidwal na sinasabing sangkot sa proyekto.
Layunin umano ng alok na pigilan ang pag-usad ng kaso at maiwasan ang pananagutan ng mga posibleng sangkot.
Binigyang-diin ng kalihim na agad niyang tinanggihan ang alok at kaagad ding ini-report ang insidente kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang patunay ng kanyang paninindigan laban sa katiwalian sa gobyerno.













