Inihayag ni Terry Ridon ng Bicol Saro Partylist na tumaas ng humigit-kumulang ₱70 milyon o mahigit 1,200 porsyento ang net worth ni Sara Duterte mula 2008 hanggang 2024.
Sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng ikaapat na impeachment complaint laban sa Bise Presidente, sinabi ni Ridon na batay sa mga Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN), ang net worth ni Duterte ay nasa ₱18.49 milyon noong 2008 at ₱18 milyon noong 2009.
Pagsapit ng 2023, umabot ito sa ₱77.5 milyon at naging ₱88.5 milyon noong 2024.
Ayon kay Ridon, maaaring ituring itong “unexplained wealth,” na isa sa mga isyung nakasaad sa impeachment complaint.
Gayunman, iginiit ng ilang mambabatas na kinakailangan ng mas tiyak na ebidensya, tulad ng detalye ng mga bank account.
Sa panig naman ni Justice Committee Chairman Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, hindi pa umano kinakailangang ilahad ang ganitong detalye sa kasalukuyang yugto ng proseso at maaari itong talakayin sakaling umusad ang kaso sa Senado bilang impeachment court.
Inihalintulad din ni Ridon ang reklamo sa naging kaso noon ni dating Renato Corona, kung saan lumabas ang mga ebidensya sa mismong paglilitis sa Senado.













