Hindi papatawan ng multa o iba pang parusa ng Women’s Tennis Association (WTA) si Filipina tennis star Alex Eala matapos nitong piliing kumatawan sa Pilipinas sa 20th Asian Games sa halip na lumahok sa WTA 1000 China Open.
Ayon kay Philippine Tennis Association (Philta) Executive Director Tonette Mendoza sa pagdinig ng Senate Committee on Sports, dapat sanang dumalo si Eala sa China Open alinsunod sa WTA rules at maaari siyang pagmultahin ng $10,000 at mawalan ng ranking points.
Gayunman, naging maunawain ang WTA matapos malaman na layunin ni Eala na makakuha ng direktang puwesto para sa 2028 Los Angeles Olympics sa pamamagitan ng kanyang partisipasyon para sa Pilipinas.
Nagpatupad din ang WTA ng mga bagong probisyon na nagbibigay-proteksyon sa mga manlalarong pinipiling magrepresenta at maglingkod sa kanilang bansa.
Samantala, nagpapahinga muna si Eala bago muling sumabak sa WTA 1000 Wuhan Open sa China mula Oktubre 12 hanggang 18.












