Nagpasya si Bise Presidente Sara Duterte na hindi dumalo sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng kaniyang impeachment.
Kinumpirma ito ng isa sa kaniyang mga abogado, si Atty. Michael Poa, na hindi siya makakadalo sa nasabing pagdinig na nakatakda sa Miyerkules, Marso 25.
Ito ang kauna-unahang pagdinig ng impeachment complaints laban sa Bise Presidente na naunang napatunayang sufficient in form, substance, at grounds.
Noong Marso 16, nagsumite ang kampo ni Duterte ng kanilang opisyal na sagot sa mga impeachment complaints, matapos na masuri ng komite na sufficient in substance ang mga reklamo noong Marso 4.
Ayon sa kampo ng Bise Presidente, dapat ipabasura ang mga reklamo dahil ang mga alegasyon ay hindi kabilang sa impeachable offenses.













