-- ADVERTISEMENT --

Handang sumailalim si Vice President Sara Duterte sa lie detector o polygraph test matapos hamunin ni Gracioso ang Bise Presidente na gawin din ito.

Ayon kay Duterte, wala siyang pagtutol sa pagsusuri, basta’t ilabas din sa publiko ang resulta ng lie detector test na isinagawa kay Gracioso. Sinabi umano ni Gracioso na pumasa siya sa pagsusuri.

Sumailalim si Gracioso sa polygraph examination sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Setyembre 30, kaugnay ng kaniyang alegasyon na naghatid siya ng mga maletang naglalaman ng pera sa pamilya Duterte.

Iginiit ni Duterte na hindi agad makukuha ang resulta ng polygraph test dahil kailangan pa itong suriin at basahin ng eksperto. Aniya, hindi nangangahulugang kung isasagawa ang pagsusuri ngayon ay maaari nang makuha ang resulta kinabukasan.