-- ADVERTISEMENT --
Binanatan ni Bise Presidente Sara Duterte ang pananahimik ng ilang civil society at mga grupo na tutol sa flood control. Ayon kay Duterte, hindi pinapalakas ng mga grupong ito ang isyu ng pagpapahayag ng mga 18 marines na umano’y mga tauhan ni dating Representative Zaldy Co. Ipinunto ng Bise Presidente na nakakabingi ang pananahimik ng mga grupong ito at hindi nila sinusuportahan ang tapang na ipinakita ng mga marines sa kanilang pagsisiwalat.
Tinutukoy ni Duterte ang pagpapakita ng tapang ng mga marines nang ilantad nila ang mga anomalya, tulad ng pagbabayad ng malalaking halaga ng pera sa ilang mga opisyal ng gobyerno, pati na rin sa mga imbestigador mula sa International Criminal Court (ICC).












