-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Tinalakay sa isinagawang session ngayong araw, Setyembre 15, 2025, ng Sangguniang Panlungsod ng Koronadal ang resolusyon na naglalayong ideklarang persona non grata ang vlogger na si Crist Briand na mas kilala bilang “Brader.”

Dumalo mismo si Brader sa naturang session matapos siyang ipatawag ng konseho bunsod ng mga reklamo hinggil sa umano’y pambabastos sa ilang opisyal, paggamit ng social media sa paninira, at mga kilos na nakaaapekto sa imahe ng lungsod.

Bago pa man ang pagdinig, naglabas na ng pahayag si Brader kung saan siya ay nagdepensa sa kanyang sarili at humingi ng paumanhin sa publiko at sa mga opisyal na maaaring nasaktan ng kanyang mga naging pahayag at kilos.

Giit naman ng ilang konsehal, simboliko man ang deklarasyong persona non grata, ito ay malinaw na pahayag ng opisyal na tindig ng konseho laban sa mga asal na hindi angkop at nakasisira sa interes ng publiko.

Sa ngayon, wala pang desisyon kung tuluyang ipapasa ang resolusyon laban kay Brader.