Mariing itinanggi ni Rolan Valeriano ang isyu na may namumuong kudeta sa Kamara de Representantes.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng naging komento ni Ronnie Puno, presidente ng National Unity Party, na hindi umano sila kuntento sa liderato ni Bojie Dy.
Ayon kay Valeriano sa panayam sa Bombo Radyo, normal lamang na may mga pagkakataon na hindi sila “solved” o ganap na nasisiyahan sa pamamalakad ng Speaker sa ilang isyu—gaya ng district projects—ngunit hindi ito nangangahulugan na kalaban na nila ang lider ng Kamara.
Naniniwala ang mambabatas mula sa Maynila na nananatiling buo ang suporta ng nakararami sa Kongreso para kay Dy, pati na rin sa administrasyon ni Ferdinand Marcos Jr..
Nagpasalamat din si Valeriano dahil sa kanilang partido na NUP, hindi sila pinipigilan na magpahayag ng kanilang paninindigan sa mga isyu, at sa halip ay hinihikayat silang panatilihin ang konsensya at katarungan.













