Kinumpirma ng Ministry of Defence ng United Arab Emirates (UAE) noong Sabado na napabagsak nila ang 15 sa 16 na ballistic missiles na inilunsad mula sa Iran.
Ayon sa pahayag ng UAE Ministry of Defence, nakatanggap sila ng signal na 16 na ballistic missiles ang pinalipad mula sa Iran, at 15 dito ang kanilang na-intercept.
Isang missile naman ang tumama sa dagat.
Bukod dito, nakatanggap din sila ng 121 na one-way drones, kung saan 119 sa mga ito ang napatamaan at na-intercept, habang dalawa ang pumasok sa teritoryo ng UAE.
Sa kabila ng matagumpay na intercept, iniulat na may tatlong (3) katao ang pumanaw at 112 naman ang nasugatan dahil sa patuloy na airstrikes at missile attacks mula sa Iran.
Ang mga awtoridad sa UAE ay patuloy na nagmamasid at nag-aalaga sa mga biktima ng mga nangyaring insidente.













