-- ADVERTISEMENT --

KORONADAL CITY – Arestado ang isang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga otoridad sa Purok Aurora, Brgy. Poblacion, Magpet, Cotabato.

Kinilala ni Police Major Rolando L Dillera Jr., hepe ng Magpet Municipal Police Station ang nahuling suspek na si alyas “Rom” na isang Street Level Individual.

Ayon kay PMaj Dillera Jr., ng puntahan ng mga operatiba lugar sa pangunguna ng Magpet Municipal Drug Enforcement Unite katuwang ang CPPO-PPDEU, 1st CPMFC, RID 12 at 1203rd MC RMFB 12 dahilan upang maging matagumpay ang pagkaka-aresto sa mga suspek.

Nakumpiska ang may kabuuang tatlong (3) pakete ng hinihinalanag shabu, at isang(1) Php500.00.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Ang pagkakaaresto sa suspek ay bunga ng matagumpay na kampanya kontra ilegal na droga at patuloy na ginagampanan ang kanilang sinumpaang tungkulin para sa maayos at mapayapang pamayanan tungo sa Bagong Pilipinas.