Inanunsyo ni US President Donald Trump ang pagbuo ng isang “Board of Peace” na mangangasiwa sa pansamantalang rekonstruksyon ng mga lugar sa Gaza na naapektuhan ng digmaan sa pagitan ng Israel at Hamas.
Magsisilbing tagapangulo ng lupon si Trump, kasama sina US Secretary of State Marco Rubio at dating UK Prime Minister Sir Tony Blair bilang mga founding member.
Itinalaga naman ang dating UN Middle East envoy na si Nickolay Mladenov bilang kinatawan para sa Gaza.
Bahagi ito ng 20-point peace plan ng Estados Unidos na kinabibilangan ng pagbuo ng International Stabilisation Force para sa seguridad at pagsasanay ng Palestinian police, at pagtatatag ng 15-member National Committee for the Administration of Gaza para sa pang-araw-araw na pamamahala.
Ipinatupad ang plano noong Oktubre, ngunit nananatiling marupok ang kasunduan habang patuloy na mahirap ang kalagayan ng mahigit 2.1 milyong Palestino.













