-- ADVERTISEMENT --

Patay ang isang tricycle driver habang dalawa ang sugatan matapos na inararo ng isang jeep ang tricycle sa crossing ng Barangay Cannery, Polomolok, South Cotabato.

Ito ang kinumpirma ni Police LtCol. Peter Pinalgan Jr. ang Chief of Police, Polomolok PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ni Pinalgan Jr, ang nasawing tricycle driver na si Almer Amfit, 38 anyos, residente ng Barangay Magsaysay, Polomolok, South Cotabato.

Habang minamaneho naman ni Arsenio Manoto ang Jeep kasama ang pasahero nitong si Edwin Yuba.

Ayon kay Pinalgan, nagmula sa Cannery Road ang Jeep at patungo sana sa direksyon ng Tupi nang bigla itong mawalan ng preno.

Dahil nawalan na ito ng kontrol, naararo ng Jeep ang nakaparadang tricycle na sinasakyan ni Amfit, na pumailalim pa sa jeep hanggang sa nahulog ang dalawang sasakyan sa kanal.

Nagtamo ng mga sugat sina Manoto at Yuba matapos na tumalon mula sa jeep bago ito nahulog sa kanal.

Samantala, isinugod sa ospital ang mga biktima ngunit sa kasamaang palad, binawian ng buhay si Amfit.

Binigyang diin rin ni mechanical error ang itinuturong dahilan ng aksidente.

patuloy namang nagpapagaling sa bahay pagamutan ang dalawang sakay ng Jeep.

Nanawagan rin si Pinalgan at ang kanilang opisina sa publiko na maging maingat sa pagmamaneho at ugaliin ang pagcheck ng sasakyan bago bumyahe upang makaiwas sa mga aksidente.