-- ADVERTISEMENT --

Inihayag ng Tindig Pilipinas ang pag-withdraw ng kanilang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, isang araw bago magsimula ang deliberasyon sa House Committee on Justice nitong Lunes, Marso 2.

Ito ang ikalawang impeachment complaint laban kay Duterte na isinampa ng grupo.

Ayon sa pahayag ng Tindig Pilipinas, susuportahan na lamang nila ang reklamo na isinampa ng mga religious groups, pari, at mga abogado.

Ang unang reklamo ay isinampa nina Kiko Aquino Dee, convenor ng Tindig Pilipinas; dating Presidential Peace Process Adviser Ging Deles; at Fr. Flavie Villanueva.

Ito ay inendorso nina ML Party-list Representative Leila de Lima at Akbayan Representative Percy Cendaña.

Ayon sa mga miyembro ng Tindig Pilipinas, ang mga akusasyon laban kay Duterte ay kinabibilangan ng constitutional violations, graft and corruption, bribery and unexplained wealth, gross incompetence, abuse of power, at tolerating extrajudicial killings.